Medical Observer - Information is our Prescription

About Us         Contact Us         Our Services

 

Front-page

Viewpoint

In Focus

Feature

Maternal Health

Interview

CME Calendar

Local
Conventions

Overseas
Conventions

Links to
Medical Societies

 

 

Feature

 

Ang tunay na PROFESSIONAL

 

Hindi sapat ang lisensiya para maituring kang isang propesyonal na midwife. Bukod sa iyong kaalaman at kakayahan, mahala rin ang pagiging morally at ethically upright.

    LISENSYADONG midwife ka. Ika nga, professional. Masarap pakinggan, pero ano nga ba ang tunay na sukatan ng pagiging professional?

Ayon kay Ma. Therese Pacabis, chief nurse ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, may dalawang components ang professionalism. Una, kailangan competent ka--may SK na tinatawag o skills at knowledge. Pangalawa, dapat morally and ethically upright ka, may tamang attitude at values, ika nga.


Upgrade yourself: Hanggang saan ba ang kaya mo?

    Dahil sa lumalawak na tungkulin ng mga komadrona sa public health-care system, kailangan rin nilang itaas ang antas ng kanilang kasanayan at kaalaman upang hindi sila mapag-iwanan.

    Sa panahon ngayon, hindi sapat ang titulong RM na nakakabit sa pangalan ng mga komadrona. Hindi rin sapat na beterano na sila sa pagpapaanak, pagbabakuna, at pagbibigay ng payong pampamilya. Araw-araw, may mga bagong pag-aaral at kaalaman na hahamon sa natutunan nila sa midwifery school, maternity clinic, o ospital na kanilang pinapasukan.

    Sa ilalim ng Continuing Profes-sional Education Program na ipina-tutupad ng Professional Regulation Commission (PRC), ang isang RM ay maaaring kumuha ng dagdag na dalawang-taong kursong Bachelor in Community Health Service (BCHS) para maitaas ang antas ng kaniyang edukasyon.

    Kung tina-target naman niyang maging teacher o adviser sa isang school of midwifery, kailangang magtapos rin siya ng dalawang-taong Master in Community Health Service (MCHS), at kung type niyang maging dean later, dapat magtapos siya ng doctorate.

    Para mapaglingkuran ang mga komadrona na nakatalaga sa mga liblib na lugar sa bansa, ang Pamantasan ng Lungsod ng

Maynila at ang Trinity College of Quezon City ay nagbukas ng mga kursong BCHS at MCHS sa ilalim ng distance-learning at open-university programs.

Sa pakikipagtulungan pa rin ng Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP) at PLM, ilang Regional Comadrona Development Centers ang naitayo sa mga piling lugar sa Baguio, Davao, at Iloilo City para magsilbing training ground ng mga komadrona mula sa ibat'ibang rehiyon sa bansa. Ang bawat RCDC ay may sariling training hall, office space, at audiovisual equipment na pinatatakbo ng IMAP chapter.

    Ayon kay Dr. Benjamin Tayabas, presidente ng PLM, mula sa mga graduates ng MCHS hinihirang ang dean ng bawat RCDC at IMAP Learning Center. Dagdag pa niya, ang PLM, bilang katuwang na institusyon ng IMAP ay patuloy na magbibigay ng CPE at off-campus programs ukol sa community health services upang lubusang maihanda ang mga komadrona sa kanilang lumalaking papel sa lipunan. Patuloy rin silang nagsasagawa ng curri-culum review para matukoy ang iba pang academic programs na pwedeng idagdag sa midwifery curriculum.

    Ang IMAP Foundation School of Midwifery sa Lapaz, Iloilo City ay nakatakda namang magbukas ng kursong Basic Computer for Midwives sa ilalim ng administras-yon ni Dr. Alice Sanz de la Gente, dating pangulo ng IMAP, para maihanda ang mga komadrona sa information technology at maging globally competitive sila.

 

Mga panuntunan

    Ang mga komadrona ay may sinusunod ring moral standards. Hindi sila dapat tsismosa, pakiala-mera, at kung anu-ano pa. Lahat ng impormasyong ibinigay ng isang pasyente ay kailangang manatiling pribado at confidential.

    Higit sa lahat, sila ay maingat sa kanilang pananalita, pagdadamit, at pakikiharap sa mga pasyente. Hindi sila astig. Hindi rin sila ala-Britney Spears kung magdamit na luluwa na ang kaluluwa dahil sa plunging neck lines.

    Ang mga komadrona ay dapat maging bukas rin sa mga pagba-bago, payo ni Fr. Larry Faraon, kura paroko ng Sto. Domingo Church. Kung kailangan nilang mag-computer eh di sige. Isa pa, dapat silang manatiling mapagpakum-baba. Ang kayabangan walang lugar sa mundo ng mga RM.

    Pangatlo, pananaw sa buhay. Hanggang komadrona ka na lang ba? Ayaw mo bang mag-ambisyong matawag na Ma'am o Sir?

    Isa pa, uniqueness o kaibahan. Ano ba ang meron ang isang komadrona na wala ang iba? Alamin mo, i-develop, at gamitin sa tamang paraan.

    Sabi rin ni Fr. Faraon, ang komadrona, dapat ay masayahin at laging nakangiti. Bawal ang nakasi-mangot na komadrona. Eh ano kung kumakanta ka habang nagpapa-anak?

    Higit sa lahat, mapagmahal at mapagkalinga ang ating mga komadrona. Pagdating dito, hats off kami sa kanila. Isa pa, dapat malikhain rin sila at mahusay sa strategy. Hindi sa palusot, ha!

    Isa pang value na hindi dapat mawala sa mga RM ay ang generosity. Huwag mo namang ipagdamot ang serbisyo mo. Huwag kang magsara ng pinto dahil pagod ka na o nagbi-beauty rest ka pa. Nakalitaw na ang ulo ni baby, o!

    Ang mga komadrona, walang duda, ay prolife. Ito ay primary value sa kanilang propesyon. Buhay ng ina at sanggol ang nakasalalay sa kanilang mga kamay. "That makes a midwife holy," sabi ni Fr. Faraon, kaya dapat magmukha rin silang banal. TFM

 

Updated last May 03, 2006 , Developed and Maintained by JML Internet Solutions
Best viewed with Microsoft Internet Explorer 5 and up at 800x600 resolution

Notice: The articles in this website are meant for information and education purposes only and are not intended to encourage self-diagnosis and self-medication. Readers should consult their physicians for professional medical advice. 

Copyright © 2006, The Filipino Midwife. All rights reserved.