
May hangganan ba ang maaaring gawin ng isang midwife?
Isang panayam kina Alice dela Gente, dating presidente ng Integrated Midwives Association of the Philippines, at Patricia Gomez, kasalukuyang presidente
Midwifery is supposed to be all about mother and child, that is.
Pero bakit pati malnutrition, immunization, tigdas, bulutong, at pati nga yata SARS at meningoccocemia ay ibinabato na rin sa ating mga komadrona? Kaya tuloy sila, litung-lito na kung ano ba talaga ang trabaho nila.
Halos 34 health programs ng Department of Health ang hinahawakan ng mga midwife sa rural health units. Sa mga bayang walang doktor at nars, ang komadrona rin ang gumaganap ng tungkulin na para sana sa kanila. Konting ubo at lagnat, komadrona ang tinatawag. Pwede ba siyang magbigay ng reseta? Ordinaryong gamot? Pangunahing lunas?
Pag nanganak si mommy at walang money, trust the midwife to be at her service. Hanggang magkano ba ang puwede niyang singilin para sa kanyang serbisyo "iri?" Paano kung mag-pass muna si mommy, meron ba siyang say?
Kung inabot ng 24 hours ang pagli-labor ni Ms. Pitimini, tatawag ba siya ng rescue team o hihintayin na lamang niyang mag-hello ang baby? Kung hindi lumabas, puwede ba siyang mag-perform ng episiotomy? Kung napunit ang vaginal tissue, pwede ba siyang magtahi? Paano kung suhi? Paano kung nagkaroon ng bleeding o kaya ay eclampsia?
At pagdating naman sa pagbabakuna kay baby, inaasahan pa rin ng maraming nanay ang mga komadrona na magturok ng BCG, DPT, polio, measles, hepa, at Hib. Subalit, pinapayagan ba ng batas ang isang komadrona na magbakuna kay baby tulad ng isang nars o doktor?
Hanggang saan nga ba ang limitasyon ng isang lisensyadong komadrona?
Magkahiwalay na kinapanayam ng THE FILIPINO MIDWIFE (TFM) ang presidente ng Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP) na si Ms. Patricia Gomez, at ang dating presidente na si Ms. Alice dela Gente sa IMAP office sa Pinaglabanan, San Juan.
Narito ang kanilang sinabi.
TFM: How can you tell if a patient is for you?
Patricia Gomez (PG): Based on what we see. We have guides to follow on how to determine if the mother and the baby are high-risk or not. Kung maselan at delikado ang pagbubuntis, sa OB-gyne yan. Kung caesarian section ka before, malamang CS ka ulit sa second pregnancy mo, so high-risk yan, OB-gyne lang ang gumagawa niyan. Kami, hanggang normal delivery lang. Kung mahina ang bata sa tiyan pa lamang ng nanay, alam mong high-risk case 'yan.
TFM: Allowed po ba ang isang komadrona na magturok ng anti-tetanus vaccine kay mommy during pregnancy tulad ng ginagawa ng isang OB-gyne?
PG: Yes, we can. That is, tetanus toxoid injection. Ginagawa namin talaga 'yan.
TFM: What about suturing? Pwede ba kayong magtahi kung nalaslas ang puerta ni mommy sa laki ni baby?
Alice dela Gente (ADG): It is allowed, pwede. But only up to the second degree, meaning skin and tissue lang ang involved. Pag third and fourth degree hindi na, kasi baka ma-close mo pati 'yung anus. Di ba may nangyari ng ganyan, doktor pa ang gumawa? Hindi pwede 'yung basta tahi ka ng tahi. You have to be trained for that purpose.
TFM: What about episiotomy o paglaslas ng vaginal skin to give way to the baby's coming out?
ADG: Episiotomy is not for us, kahit alam mong konting gupit mo lang lalabas na ang ulo ng bata. Our hands are tied when it comes to that. We must understand our limitations, including legal responsibilities.
TFM: When do you refer a patient to a physician?
PG: Kapag feeling mo hindi mo kaya, 'pag kinutoban ka na. Suspetsa pa lang dapat i-refer mo na kaagad siya. Kung may bleeding, tumataas ang blood pressure niya, mga ganyang signs, etc. Kung may sasakyan ka, itakbo mo kaagad sa ospital. Huwag mo ng isipin 'yung kikitain mo, ang isipin mo buhay ang nakasalalay dito. At dapat i-IV (intravenous) mo kaagad.
TFM: So, pwede na rin kayong magbigay ng intravenous fluids following protocol?
PG: Oo, pero case-to-case basis 'yan. Kumbaga, kung hinihingi ng pangangailangan … kung walang doktor o nars at posibleng mamatay ang pasyente kung hindi mo agad maaagapan. But, of course, you must have undergone extensive training. 'Yung mga bagong komadrona, kasama na 'yan sa kanilang curriculum ngayon.
TFM: How much does a regular komadrona charge her patient? What if the client has no money to pay the bills?
PG: Sabi ng PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation), PhP4,500. Pero kasama na dun lahat-lahat--pre-, during, and post care sa nanay at baby, kumbaga. Pero kung wala talagang ibabayad 'yung tao, hindi mo naman siya pwedeng i-harass. So, minsan tiis na lang.
TFM: What does the law prohibit when it comes to dispensing drugs to a mother and her baby?
ADG: For the mother, definitely we are not allowed by the law to prescribe oxytocic drugs to induce labor because we have to let nature take its own course. What we are allowed to give is oxytocic drug after the expulsion of the placenta, like methergin injection to prevent bleeding and injection of Vitamin K to the newborn. If possible, we should also avoid laceration. Kung alam mo na nag-exceed na ang time ng true labor bakit mo pa patatagalin? I-refer mo na kaagad.
TFM: Why, how long does true labor take? And how to do you determine it?
ADG: True labor should be 18 hours lang for primi. True labor pains only take two hours. You can tell it's true labor when the pain is coming from the lower abdomen and radiating to the back with an interval contraction of only three minutes while its duration is only about one minute. Pero kung sakit lang ng sakit, hindi pa 'yan. Before, hindi kami allowed mag-IE pero ngayon, puwede na.
TFM: What about the baby's immunization?
ADG: With the passage of the Midwifery Law of 1992, expanded na ang role ng midwives. Pwede na kaming mag-immunize--BCG, diptheria, hepa A, hepa B, measles, even for rabies. But it has to be under the supervision of a doctor or a nurse. 'Yung mga rural midwife naman, they underwent rigid training on immunization from the DOH.
TFM: Are you allowed to prescribe medicines for illnesses?
PG: We cannot prescribe, we can only advise. Even in family planning, we cannot impose, hanggang counseling lang kami. Pero 'yung mga kaso ng pagtatae, bigyan mo na lang ng oresol but with a reminder na kapag hindi tumigil "aba, misis, dalahin mo na sa bayan si baby." O kaya mag-am ka muna at bawal ang matatabang pagkain ... yung mga ganun. Malimit kasi, wala silang pera at dahil sa naaawa ka, mapipilitan kang bigyan na lang sila ng gamot. 'yung mga generic drug na ibinibigay ng gobyerno kung meron. Kasi, talagang kukulitin ka. Magmamakaawa rin sila. TFM
|