Medical Observer - Information is our Prescription

About Us         Contact Us         Our Services

 

Front-page

Viewpoint

In Focus

Feature

Maternal Health

Interview

CME Calendar

Local
Conventions

Overseas
Conventions

Links to
Medical Societies

 

 

Maternal Health

 

Mga panganib sa pagbubuntis

 

HINDI biro ang magbuntis. Sabi nga nila, isang paa mo ay nasa hukay.

    Ito ay sa dahilang kaakibat ng pagbubuntis ang ilang kundisyon at kumplikasyon na maaaring maglagay sa buhay ng ina at sanggol sa balag ng alanganin.

Ito ay pinatunayan ng isang ulat mula sa United Nations na nagsasa-bing isa sa bawat 75 na Filipina ang maaaring mamatay sa panga-nganak. Ayon naman sa State of Population Report 2000 na ginawa ng Commission on Population, 10 babae ang namamatay sa panganganak kada araw. Ang maganda rito, lahat halos ng kumplikasyong dala ng pagbubuntis ay maaaring pigilan kung ito ay maaagapan, saad ni Dr. Ruth Gutierrez, pinuno ng obstetrics at gynecology department sa University of Santo Tomas Hospital (USTH).

    Bagamat ang infant-mortality rate ay bumaba sa 19.7 mula 26.2 kada 1,000 noong taong 1993 hanggang 1998, nananatili pa rin itong mataas.

    Sa panahon ng pagbubuntis, kinakailangan ang dobleng pag-iingat, lalo na kung ang dinadala mo sa sinapupunan ay dalawa o kambal. Kailangan rin ang prenatal check-up: buwanan sa unang pitong buwan ng pagbubuntis, isa kada dalawang linggo sa ikawalong buwan at lingguhan sa ikasiyam na buwan.

    Kung peligroso o high-risk ang pagbubuntis, ang check-up ay dapat maging higit na malimit at malawak.

    Bagamat maraming bagay na maaaring maglagay sa isang ina sa panganib, may mga karaniwang sakit rin na kapag kumapit sa buntis ay maaaring maglagay sa buhay niya sa peligro. Ito ay ang mga sumusunod:

    o Goiter o Graves disease

    Ang antibodies na siyang respon-sable sa abnormal na paglalabas ng thyroid hormone ay pumapasok sa placenta, nagpapabilis ng pintig ng puso ng sanggol at nagpapabagal ng kanyang paglaki.

    o Iron-deficiency anemia

    Pwedeng maisalin ng isang inang may IDA ang sakit sa kanyang sanggol; anim sa bawat 10 sanggol ay may anemia.

    o Gestational diabetes mellitus

    Ang paggamit ng oral hypogly-cemics ng mga inang may type 2 diabetes sa unang tatlong buwan ng kanyang pagbubuntis ay maaaring magbunga ng cardiac defects, ear malformations, at VATER (vertebral defects, anal atresia, tracheosopha-geal fistula with esophageal atresia, radial and renal anomalies) sa kanilang sanggol. Para naman sa ina, pwede itong maging dahilan ng maagang pagli-labor at hypertension. Dahil dito, iminu-mungkahi ng mga doktor ang balanseng pagkain, magaang na ehersisyo, at pagsukat ng glucose levels sa dugo ng mga buntis.

    o Gestational hypertension

    Ito ay pinakamapanganib sa buntis at tinatayang 23.6 porsyento ng maternal deaths sa Pilipinas taun-taon ay bunga ng hypertension o high blood pressure.

    Ilan pa sa mga itinuturong kalimitang dahilan ng pagkamatay ng mga nagdadalantaong ina, ayon kay Dr.Virgilio Castro, pinuno ng USTH high-risk unit, ay ang hindi nila pagpapa-check-up, hindi pagsunod sa doctor's prescription, at ang panganganak sa loob ng bahay sa ilalim ng isang hilot na walang sapat na kaalaman.

    Dagdag pa niya, 56.4 posiyento lang ng mga nanganganak sa bansa ang isinasagawa sa tulong ng isang skilled health professional at 31 porsiyento lang ang naga-ganap sa loob ng ospital. Halos pito kada 10 ang nanganganak sa bahay. TFM

 

 

Updated last May 03, 2006 , Developed and Maintained by JML Internet Solutions
Best viewed with Microsoft Internet Explorer 5 and up at 800x600 resolution

Notice: The articles in this website are meant for information and education purposes only and are not intended to encourage self-diagnosis and self-medication. Readers should consult their physicians for professional medical advice. 

Copyright © 2006, The Filipino Midwife. All rights reserved.