Medical Observer - Information is our Prescription

About Us         Contact Us         Our Services

 

Front-page

Viewpoint

In Focus

Feature

Maternal Health

Interview

CME Calendar

Local
Conventions

Overseas
Conventions

Links to
Medical Societies

 

 

Feature

 

Midwife's Code of Ethics

 

 

1. Magbigay ng serbisyong ayon sa legal na tungkulin. Irespeto ang pasyente kahit ano pa ang kanyang relihiyon, estado sa lipunan, at pananalapi. Kuhanin ang tiwala nila sa pamamagitan ng dedikasyon at hindi makasariling serbisyo.

2. Pataasin ang antas ng kaalaman at kakayahan at ibahagi sa kapwa komadrona ang mga karanasan at natutunan.

3. Magtrabaho lamang ayon sa siyentipikong basehan at huwag gumawa ng hakbang na kaduda-duda at labag sa medikal na pananaw.

4. Pangalagaan ang pampublikong kalusugan at protektahan ang hanay laban sa pagtanggap ng mga kasapi na kulang ang kaaalamang pang-professional at hindi katanggap-tanggap na character.

5. Magbigay ng pinakamabuting serbisyo sa pasyente. Huwag magpabaya.

6. Huwag ikumpromiso ang serbisyo para maiwasan ang kapahamakan ng pasyente.

7. Ilimita ang kita sa serbisyong ibinigay sa pasyente. Huwag sumingil ng sobra. Hindi rin dapat tumanggap ng komisyon mula sa pasyenteng isinangguni niya sa iba.

8. Normal na pagbubuntis, pangananak, at sanggol lamang ang sakop ng isang komadrona. Kapag may duda at kahirapan ang kasong hinaharap, dapat kaagad isangguni ito sa obstetrician o physician.

9. Panatilihing pribado ang mga impormasyong ibinigay ng pasyente sa panahon ng kanyang pagsangguni at pagpapagamot maliban lamang kung ito ay iniuutos ng hukuman.

10. Maging tapat at may dedikasyon hindi lamang sa pasyente kung hindi pati na rin sa komunidad.

11. Makibahagi sa pagsasaliksik o anumang adhikain ng propesyon na naglalayong itaas ang antas ng kaalaman at kasanayan.

12. Magtrabaho na may interes at pagmamalasakit na palaganapin ang serbisyong pangkalusugan sa lahat. TFM  

 

Updated last May 03, 2006 , Developed and Maintained by JML Internet Solutions
Best viewed with Microsoft Internet Explorer 5 and up at 800x600 resolution

Notice: The articles in this website are meant for information and education purposes only and are not intended to encourage self-diagnosis and self-medication. Readers should consult their physicians for professional medical advice. 

Copyright © 2006, The Filipino Midwife. All rights reserved.