
Hindi puwede ang "puwede na yan"
Bahagi ng talumpati ni Senador Mar Roxas sa 2004 national convention ng Integrated Midwives Association of the Philippines
Ako po ay pumunta rito hindi lamang para magbi-gay ng isang keynote address. Dumating po ako rito bilang inyong anak, inyong kapatid, inyong kaibigan, inyong kasangga, inyong kapamilya, inyong kapuso--para magpasala-mat sa inyong tulong, sa inyong pagtangkilik, at sa inyong pagsu-porta kay Mr. Palengke.
I am also here to give recognition to your president, Alice dela Gente, na nagsisilbing isang halimbawa sa lahat ng komadrona sa ating bansa.
Rain or shine, may karamdaman man o wala, may kasangkapan man o wala, may gamot man na dala o wala, ang ating mga midwife ang unang pinupuntahan--ang kanilang pintuan ang unang kinakatukan--ng ating mga kababayan sa lahat ng dako ng ating bansa. At kayo po ang nasa front line sa pagbibigay ng tulong sa ating mga nangangai-langang kababayan.
In the life of an organization, there is always a transition, during which the leadership of the past gives way to a young, energetic leadership for the future.
We have known Alice for more than a decade now. As leader of the midwives in our country, she has taken you, your organization, your agenda, your issues to all levels of Philippine government so that there is greater awareness now about the role and the plight of our midwives. Kilala at alam ng napakaraming namumuno sa ating bansa ang mga issue na mahalaga para sa ating mga midwife.
Marami pong problema ang ating bansa at nakagagalak na sa kabila nito, ang mga midwife po natin ay patuloy sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.
Yan po ang tunay na Filipino.
Huwag na huwag po tayong maniniwala sa mga nagsasabing ang problema ay ang kultura natin, sa mga nagsasabing may problema ang pagkatao natin. O yung mga nagsasabing "we are a failed culture."
Marangal po ang Filipino. Nakikita po natin ang kahusayan at kagalingan ng Filipino sa buong mundo. Kahit saang dako po ng mundo, may Filipino pong nage-excel. Sila po iyong talagang magagaling, mga dalubhasa na nakikita doon sa ibang bansa.
Kaya kung ang Pinoy sa ibang bansa ay nagtatagumpay sa kanilang pamumuhay, bakit naman kaya dito sa ating bansa hirap na hirap tayo--hirap na hirap tayong umangat, hirap na hirap tayong magtagumpay?
Ibig sabihin ang problema ay wala sa Filipino at wala sa ating pagkatao. Ang problema po ay nasa sistema. Ang problema po ay nasa uri ng pamumuno sa ating bansa.
Hangga't tayo po ay hindi magsasama-sama, magtutulong-tulong, iyon din po ang dadatnan ng ating mga kabataan at mga apo.
Mahalagang-mahalaga po habang pinag-uusapan ninyo sa inyong convention ang inyong theme na Working Together Towards Excellence in Midwifery na isaisip natin na ang excellence na ito ay dapat hindi lamang sa midwifery.
Ang excellence na ito ay dapat ding kumalat sa lahat ng dako ng pamumuno sa ating bansa at sa lahat ng uri ng gawain sa ating bansa. Iyan po ang hinihintay ng ating mga kababayan. Iyan din po ang maidudulot ng dagdag na tulong ng mga midwife sa ating bansa. The search for excellence ay dapat lagi ninyong ipapakita habang kayo po ay bumibisita sa mga pamilyang natutulungan ninyo.
Kung madinig ninyo ang "bahala na," "OK lang yan," "pwede na yan," dapat papangaralan po ninyo ang mga nagsasabi niyan. Huwag natin tanggapin ang "OK lang." Huwag nating tanggapin ang "puwede na yan," o ang "bahala na."
Gawin natin kung ano ang nararapat. Iyan ang ibig sabihin ng excellence. Iyan ang ibig sabihin ng world class. Kung tinanggap ni Lea Salonga iyong "OK lang yan," hindi sana siya nakarating sa Miss Saigon. Di ho ba? Kung tinanggap ni Paeng Nepomuceno yung "puwede na yan," hindi rin siya magiging most heralded bowler sa buong mundo. At iyan din po ang masasabi natin para kay Efren "Bata" Reyes at iba pang mga Filipino na nagkamit ng mga karangalan hindi lamang sa sports kundi sa iba't ibang larangan sa buong daigdig.
Kaya sa atin pong pang-araw-araw na trabaho, pang-araw-araw na pamumuhay, lagi po nating isaisip na marangal ang Filipino, magaling tayong mga Pilipino. TFM
|